^

Probinsiya

Drug den nalansag, 3 ‘tulak’ natimbog sa P103K shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

ALIAGA, Nueva Ecija, Philippines — Isang hinihinalang drug den ang nalansag ng pulisya sa bayang ito na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Eustacio noong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni P/Major Neilmar Retana, hepe ng pulisya rito, kay P/Col. Jess Mendez, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakasamsam ang operating team sa tatlong lalaking suspek ng 7- plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa 15 gramo at nagkakahalaga ng P103,500.

Kinilala ni Major Retana ang mga suspek na sina Cocoy Bao alyas “Muslim”, 42-anyos, binata ng Brgy. San Rafael, Zaragoza, NE; Aster Bartolome, 36, may-asawa ng nasabing barangay; at si Ryan Lugod, 28, may-asawa ng Brgy. Santiago ng bayang ito.

Ayon sa ulat, alas-7:30 ng Miyerkules ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng NEPPO, PPDEU at Aliaga Municipal Police station sa nasabing lugar at doon nga ay nabun­yag at nalansag ang sinasabing drug den sa lugar. 

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with