^

Probinsiya

Karambola ng sasakyan sa Baguio: 3 dedo

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Tatlo ang patay kabilang ang isang 6-anyos na batang babae matapos magkarambola ang isang cargo truck, taxi at van sa may Sta. Lucia Subdivision sa Asin Road, dito, kahapon ng umaga.    

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at iba pang pasahero na sinasabing nasa kritikal na kondisyon sa nasabing aksidente.

Sa inisyal na ulat ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 9, ang cargo truck ay pababa mula sa Suello Village, KM 3, Asin Road patungong KM4 nang mabangga nito ang taxicab na siyang bumangga naman sa rear ng sinusundang van.

Bunsod nito, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng van at tuluy-tuloy na sumalpok ito sa konkretong pader sa may kalsada.

Ang cargo truck naman ay bumangga pa sa poste ng kuryente na ikinasawi agad ng driver nito at isang kasamang pasahero.

Ang anim na sakay ng van kabilang ang 6-anyos na batang babae ay agarang isinugod ng mga responders sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) subalit namatay ang bata habang nasa malubhang kalagayan ang lima.

Masuwerte namang hindi nasaktan sa insidente ang driver ng naturang taxi.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user