^

Probinsiya

Mag-live in partner na ‘suspek’ arestado Missing health worker natagpuang patay sa kahon

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Mag-live in partner na âsuspekâ arestado Missing health worker natagpuang patay sa kahon

BAGUIO CITY, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng babaeng healthcare worker ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na ­unang iniulat na nawawala matapos matagpuang nakasilid sa isang kahon sa loob ng kanyang apartment sa Tuguegarao City.

Kinilala ng Tuguegarao Police ang biktima na si Ma. Jennifer Suzette Racadio Oñate, 27, may-asawa at tubong Gattaran, Cagayan.   Siya ay umuupa lamang sa nasabing apartment na matatagpuan sa Tumanguil Street, Carig Sur, Tuguegarao City.

Nauna rito, si Oñate ay iniulat sa pulisya na nawawala noong Abril 23, 2022 matapos na hindi makontak ng kanyang mister na si Renz nang hindi mag-report ang misis sa trabaho sa CVMC. 

Ayon sa pulisya, nadiskubre ang krimen dakong alas-5 ng hapon noong Lunes matapos umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa naagnas nang bangkay ng biktima na nakabalot sa blanket at nasa loob ng isang kahon.

Ang nasabing kahon ay itinago sa isang kuwarto sa loob ng kanyang apartment. Ang nasabing kuwarto ay nadiskubreng inuupahan ng isang Vilfred Carodan, 31, at live-in-partner nito na si ­Xyzerlyn ­Areola Evangelista, pawang tubong Barangay Smart, Gonzaga, Cagayan.

Natagpuan din sa na­sabing kuwarto ang luggage bag ng biktima na naglalaman ng mga personal na kagamitan nito kabilang ang kanyang mga damit na may mga patak at mantsa ng dugo.

Sinabi ng pulisya na ang live-in partners na sina Carodan at Evangelista ay tumakas pero nadakip ng mga awtoridad sa Barangay Smart, Gonzaga noon ding Lunes at ikinokonsidera silang persons-of-interest. 

ARRESTED

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with