^

Probinsiya

Buy-bust nauwi sa shootout: Pulis at ‘tulak’ utas!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust nauwi sa shootout: Pulis at �tulak� utas!
Patay matapos magtamo ng tama ng bala sa dibdib si P/Cpl. John Paul Digma, nakatalaga sa Tanza Police Intelligence Unit.
Graphic by Philstar/John Villamayor

CAVITE, Philippines — Patay ang isang pulis matapos mabaril ng drug suspect habang isinasagawa ang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Tanza, dito, kahapon ng umaga.

Patay matapos magtamo ng tama ng bala sa dibdib si P/Cpl. John Paul Digma, nakatalaga sa Tanza Police Intelligence Unit.

Napatay rin ang suspek na target ng buy-bust na nakilalang si Jay Alang Ilang, nasa hustong gulang, kilalang tulak sa nasabing lugar.

Sa nakalap na ulat mula kina P/Staff Sgt. Francis Mark Cortez at P/Staff Sgt. Emerson De Ocampo ng Tanza Police, isang buy-bust operation ang ikinasa ng Intelligence operatives dakong alas-9:50 ng umaga sa Brgy. Biga, Tanza.

Habang isinasagawa ang buy-bust, nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal kung kaya’t agad na nagtatakbo habang pinapaputukan nito ang mga pulis.

Minalas si Digma na masapol ng bala sa dibdib na tumagos sa kanyang puso sanhi ng kanyang agarang ikinasawi.

Gumanti naman ng putok ang mga kasamahan ni Digma kaya bumulagta at napatay sa engkuwentro ang suspek.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with