^

Probinsiya

Supporters ng 2 mayoral candidate sa Los Baños, Laguna naggirian

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Supporters ng 2 mayoral candidate sa Los Baños, Laguna naggirian
Nasa 50 pulis ang idineploy sa isang barangay sa Los Baños, Laguna upang ­mangalaga ng kaayusan at katahimikan matapos magbangayan ang dalawang grupo ng mga supporters ng dalawang mayoralty candidate kahapon.
Ed Amoroso

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nagulantang ang mga residente sa Barangay Bambang sa ba­yan ng Los Baños matapos na sumiklab ang tensyon nang magkaengkuwentro ang dalawang grupo ng mga tagasuporta ng dalawang magkalabang mayoralty candidates sa lalawigang ito, kahapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, patungo ang mga supporters ni mayoralty aspirant Anthony “Tonton” Genuino sa isang covered court na nasa ilalim ng pagbabantay ng Department of ­Education (DepEd) para magsagawa ng “caucus meeting” nang harangin ng mga tagasuporta ni mayoralty candidate Rodel Pabalate, pinsan ng namayapang dating Mayor Luis Perez.

Ayon kay Miraflor “Mai-Mai” Tado, tagapagsalita ni Genuino, sa kabila na mayroon silang permit mula sa local government unit (LGU) at pinapayagan sila ng District Supervisor na magamit ang venue, binu-bully umano ng mga supporters ni Pabalate pinipigilan silang makapasok sa covered court upang mag-set-up ng mga equipment habang pinipigil ang iba nilang staff.

Iginiit ni Tado na ang assembly ng mga supporters ni Pabalate ay illegal at walang permit mula sa concerned government authority.

Binigyang diin naman ng “Pabalate-Perez team” sa pangunguna umano ng isang Brgy. Chairwoman Arlyn Pabalate Delos Santos, kapatid ng nasabing kandidato sa pagka-mayor, kasama ang mga municipal candidates at kanilang legal counsel, na walang barangay permit at written approval ng District Supervisor na nakuha ang Genuino’s supporters, na nagbunsod sa kanilang pagtatalo sa usaping legal.

Dahil sa umiinit na tensyon ng magkabilang partido, nag-deploy na ng 50 police personnel mula sa Regional Mobile Force Company at Augmentation forces ng Laguna Provincial Police Office kasama ang local police upang makontrol ang posibleng showdown at komprontasyon ng dalawang grupo ng mga supporters.

Nadismaya naman si Congressional candidate Efraim Genuino sa pulisya dahil sa sinasabing “mishandling” sa nasabing sitwasyon.

“Pabalate’s supporters accompanied by their candidates were conducted an illegal assembly, precisely, the intention was to distract the caucus and the motive was very clear, it is political motivated, instead to dispersed of the local police the illegal gathering, they allowed to block our path,” pahayag ni Genuino.

Ang mga supporters ni Pabalate at Genuino ay nagpasyang umalis na lamang sa venue matapos magdesisyon ang grupo ni Pabalate na pinangunahan ni  Geniuno at ng local police na i-reschedule na lang ang nasabing caucus.

Agad iniutos ni Calabarzon police director, Brig. General Antonio Yarra at Laguna police director, Col. Cecilio Ison kay Los Baños Chief of Police, Lt. Col. Constancio Malaluan Jr. na tiyakin ang peaceful negotiation sa dalawang grupo, at mapanatili na maayos at ligtas ang mga residente sa standoff situation. “We are currently evaluating and assessed the situation if we recommend the Los Baños will be under areas of concern or hotspot,” pahayag ni Ison.

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with