^

Probinsiya

Gasoline boy todas sa ambush

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Gasoline boy todas sa ambush
Napuruhan ng punglo sa katawan at agad nasawi ang biktimang si Jay Ar Santac, 23-anyos ng Brgy. Sta. Cruz, Polangui, Albay.
STAR/File

POLANGUI, Albay, Philippines — Bulagta ang isang gasoline boy matapos na pagbabarilin ng nakaabang na hindi nakilalang gunman sa madilim na bahagi ng kalsada ng Sitio Barobo, Brgy. Sugcad ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa katawan at agad nasawi ang biktimang si Jay Ar Santac, 23-anyos ng Brgy. Sta. Cruz, Polangui, Albay.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi habang pauwi na si Santac lulan ng motorsiklo galing trabaho nang biglang sumulpot sa kanyang daraanan ang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Duguang bumulagta ang biktima sa kalsada habang agad na tumakas ang suspek na naglaho sa dilim.

Narekober sa lugar ang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng gunman.

AMBUSH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with