^

Probinsiya

3 persons of interest sa gun attack kay Ka Leody, tinukoy ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 persons of interest sa gun attack kay Ka Leody, tinukoy ng PNP
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, hinihintay na lamang nila ang mga witness upang pormal na makapagbigay ng testimonya sa pulisya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na mayroon na silang tatlong “persons of interest” sa pamamaril sa campaign sortie ni presidential candidate Leody de Guzman noong Martes sa Quezon, Bukidnon.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, hinihintay na lamang nila ang mga witness upang pormal na makapagbigay ng testimonya sa pulisya.

Nabatid na nagtungo sa lugar ng insidente ang forensics team kung saan nangyari ang pamamaril habang nakikipagpulong si De Guzman sa Manobo-Pulangiyon leaders sa Bukidnon hinggil sa isyu ng land grabbing.

Nakaligtas si Ka Leody subalit lima sa kanyang kasamahan ang nasu­gatan. Itinuturo ni Ka Leody na perpetrator ang security staff ni Quezon Mayor Pablo Lorenzo III na mariin namang itinanggi ng huli.

Sinabi pa ni Fajardo na kinumpiska na ang mga baril ng mga security personnel kabilang ang 8-shotguns, dalawang 9mm pistols, at isang .38 caliber. Sasailalim ang mga baril sa gun powder residue examination upang malaman kung naiputok ang mga ito.

LEODY DE GUZMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with