^

Probinsiya

Dayong ‘tulak’ huli sa P1.02 milyong shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Dayong âtulakâ huli sa P1.02 milyong shabu
Kinilala ni P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Arnold Palacio, 40-anyos, tubong Cabanatuan City at ngayon ay naninirahan sa bayan ng Baler sa Aurora.
STAR/File

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Timbog ang isang dayong ‘tulak’ umano ng droga makaraang mahulihan ng mahigit sa isang milyon pisong hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Bantug Bulalo, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Arnold Palacio, 40-anyos, tubong Cabanatuan City at ngayon ay naninirahan sa bayan ng Baler sa Aurora.

Nahuli ang suspek sa buy-bust operation na inilatag ng drug enforcement team ng pulisya rito sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 3 (PDEA-RO3), dakong alas-5:57 ng umaga nitong Biyernes.

Nasamsam sa suspek ang may 22 plastic sachet ng umano’y shabu na may timbang na 150 gramo na sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board ito ay nagkakahalaga ng P1,020,000.

Ayon kay Fiel, bago mag-Holy Week, nagsumbong sa kanilang tanggapan ang ilang residente na may magaganap na transaksyon ng droga na sangkot ang suspek kaya isang linggo siyang minonitor hanggang sa matiyempuhan at maaresto.

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with