^

Probinsiya

‘Killer’ ng FEU football player, natimbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
âKillerâ ng FEU football player, natimbog
FEU booter Kieth Absalon, 21, has passed away.
Steve Mitra Absalon

MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Kalaboso ang isang kasapi ng New People’s Army na isa sa itinuturong pumatay sa football varsity player ng Far Eastern University at pinsan nito noong nakaraang taon sa ginawang warrant of arrest operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Brgy. Bapor ng lunsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Rolly Banoy Hermina, 51-anyos, magsasaka, aktibong kasapi ng Larangan 1, Kilusang Pamprobinsya 5, Bicol Regional Party Committee sa ilalim nang pamumuno ni Eddie Rosero, alyas “Ka Star.”

Si Hermina ang isa sa pangunahing suspek na pumatay kay Kieth Absalon at sa pinsan nitong si Nolven nang pasabugan ang dalawa ng bomba at malapitang pagbabarilin habang nagbibisikleta noong Hunyo, 2021 sa Masbate City.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa dalawang kasong paglabag sa republic act 9851 o crime against international humanitarian law,genocide and other crimes against humanity, 3-counts ng murder at attempted murder at sa tulong ng mga tauhan ng 2nd Infantry Battalion, Philippine Army, 96th Military Intelligence Company at Masbate Police Provincial Office ay sinalakay ng CIDG-Masbate Provincial Field Unit sa overall supervision ni regional officer Col. Reynante Panay ang bahay ng suspek.

Hindi na pumalag at matiwasay na sumama na lamang sa mga arresting officers ang suspek na ngayon ay nasa kustodya na ng CIDG-Masbate.

FEU

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with