^

Probinsiya

Almarinez, tiniyak ng supporters ang panalo sa San Pedro, Laguna

Pilipino Star Ngayon

SAN PEDRO, Laguna, Philippines — May nanalo na!

Ito ang sigaw ng mga taga-suporta ni Dave Almarinez sa kanyang pagtakbo bilang kongresista ng San Pedro, Laguna.

Patuloy pa ring namamayagpag ang pangalan ni Almarinez sa social media dahil sa mainit na pagtanggap ng mga taga-San Pedro sa kanyang kandidatura. Kumpiyansa ang kanyang mga taga-suporta na maipapanalo niya ang laban sa Eleksyon 2022 dahil nangunguna rin siya sa iba’t ibang local survey.

Patunay umano nito ang libu-libong residente ang sumasalubong sa kalsada at sumasama sa rally ni Almarinez sa iba’t ibang barangay ng San Pedro.

“Si Congressman Dave po ang nakita namin na tunay na may malasakit sa aming mga taga-San Pedro. Simula palang ng pandemya, nakikita na namin siya na nag-iikot at nagbibigay ng tulong. Siya mismo ang nag-aabot ng tulong sa aming mga tahanan,” ani ng isang masugid na taga-suporta ni Almarinez.

Para sa mga taga- San Pedro, subok na sa serbisyo publiko si Almarinez na naging kasangkapan sa mga malalaking proyekto na napapakinabangan ng libu-libong mamamayan ng San Pedro at mga karatig lugar nito.

Kabilang dito ang pagpapatayo ng dialysis center na may 10 dialysis  machines at 60 wifi zones na highspeed free sa ibat-ibang lugar. Na­ging kasangkapan din sa Almarinez sa pagbibigay ng mahigit 20,000 Moderna vaccines para sa mga residente ng San Pedro, at marami pang iba.

Pinasalamatan din ng mga tagasuporta ang mag-asawang Almari­nez at Ara Mina dahil sa pagiging aktibo nila sa pamimigay ng ayuda sa lahat ng barangay ng San Pedro sa kasagsagan ng lockdown dahil sa pananalasa ng Covid-19.

MODERNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with