^

Probinsiya

Top 1 ‘most wanted’ sa Bicol Region, timbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Kalaboso ang ­itinuturing na number one regional most wanted ng Bicol Region matapos maaresto ng mga ope­ratiba ng Criminal Investigation and Detection Group Regional  Field Unit 5 sa bundok na pinagtataguan nito sa Brgy. Totoy, Caramoran, Catanduanes ka­makalawa.

Kinilala ang suspek na si Dominic Nate Rizo, 60-anyos, magsasaka, tubong Pilar, Sorsogon at residente ng Brgy. Supang, Caramona, Ca­tanduanes.

Si Rizo ay nahaharap sa kasong 49-counts ng statutory rape at 24-counts ng rape.

Sa ulat ng pulisya, ilang taong pinagsamantalahan ng suspek ang babaeng biktima simula ng siya ay 12-anyos pa lamang.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Genie Gapas-Agbada at sa tulong ng Catanduanes Provincial Intelligence Unit at Caramoran Police ay tatlong oras na inakyat ng mga operatiba ng CIDG sa pangunguna ni Lt. Clifford De Jesus sa superbisyon ni Col. Reynante Panay ang bundok na pinagtataguan ng suspek.

Hindi na nagawa pang tumakas ng suspek makaraang mapalibutan ng mga pulis at kusa na itong sumama pababa ng bundok.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with