^

Probinsiya

‘Professor’ ng mga kawatan, huli

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Nahulog na rin sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya ang madulas at binansagang “professor” at “godfather” ng mga magnanakaw at drug pusher sa lalawigang ito matapos maaresto sa ginawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kahabaan ng Barlin St. sa Naga City kamakalawa ng hapon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si Jeffrey Reolope San Buenaventura, 39-anyos, residente ng Brgy. Abella, Naga City at Brgy. San Roque, Camaligan.

Ang suspek ang itinuturing na “godfather” ng mga magnanakaw at tulak dahil sa ito ang nagtuturo sa mga baguhan kung papaano ang pagnakaw at pagtutulak ng droga.

Sa ulat,dakong alas-3:30 ng hapon sa tulong ng mga tauhan ng Naga City Police Office ay inilatag ng mga ahente ng PDEA-Bicol ang buy bust operation laban sa suspek.

Nang iabot ng suspek ang biniling droga sa poseur buyer ay mabilis itong inaresto ng mga nakatagong operatiba.

Nabawi sa suspek ang dalawang plastik na pakete na may lamang shabu na may timbang 60 gramo at nagkakahalaga ng 480-libong piso.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with