^

Probinsiya

Bicol Region groups, binuhos ang suporta kay Duterte at Marcos

Pilipino Star Ngayon
Bicol Region groups, binuhos ang suporta kay Duterte at Marcos
Sanib pu­wersa ang Chosen Countrywide Leaders Inc. (CCLI) at BBM-SARA alliance ng Bicol region para suportahan ang BBM-Sara tandem sa nalalapit na May 9 elections.

MANILA, Philippines — Taliwas sa lumalabas sa social media at ibang pahayagan, buong puwersang lumantad ang mga supporter leaders ng BBM-Sara tandem kahapon sa Naga at Legaspi City ng Bicol Region.

Sa pinagsanib na pu­wersa ng Chosen Countrywide Leaders Inc. (CCLI) at BBM-SARA alliance, sinugurado ng mga ito na mas mananaig ang kalamangan ni presidential daughter at Vice President aspirant Davao City Mayor Inday Sara Duterte at presidential aspirant former Senator Bongbong Marcos Jr. sa darating na eleksyon maging sa Bicol Region.

“We are now all-out for Inday Sara and BBM. Gusto namin ipakita ang tunay na kulay ng Bicol. Berde at Pula, wala ng iba,” pahayag ng Jovie Roa, isa sa opisyales ng BBM-Sara alliance sa Bicol.

“Malalaman na sa eleksyon ang katotohanan. Magbabantay kami hanggang matapos ang bilangan. Ito ay para sa ating bansa at bawat mamamayan,” pahayag ng isang suporter na napa­balitang malapit na kapamilya ng isa ring tumatakbo sa pagka-pa­ngulo sa halalan.

Ang CCLI at BBM-SARA alliance ay isa sa malaking grupo sa buong Pilipinas na naging mala­king tulong sa pagkapanalo ni Presidente Rodrigo Duterte noong nakaraang presidential election.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with