^

Probinsiya

3 dedo, 3 kritikal sa road crash

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Tatlo katao ang kumpirmadong patay habang tatlo pa ang kritikal sa magkakahiwalay na aksidente sa lansangan, dito sa lalawigan kahapon.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang unang biktimang si Bernardino Lagudas, ng Rosewood Village, Niog 2, Bacoor City makaraang sumabit ang minamaneho nitong Honda motorcycle sa nauunang container/trailer truck na hindi nakilala ang driver dakong alas-2:54 ng madaling araw.

Nabatid na bumabagtas ang biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Panapaan IV nang sumabit ito sa nasabing truck na hindi nakilala ang driver at tuluy-tuloy na umalis.

Dakong alas-2:20 naman ng madaling araw nang masagi ng isang pampasaherong bus na minamaneho ni Gilbert Zamudio, 37, ng Brgy. Mabolo, Naic, Cavite ang isang motorsiklo na minamaneho ng biktimang si  John Michael Cesa Villanueva, 20, ng Cesa Compound, Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite.

Sa ulat, habang bumabagtas si Villanueva sa A. Soriano Highway, Brgy. Calibuyo, Tanza nang masagi ito ng pampasaherong bus nang magmaniobra sa kanang bahagi ng kalsada. Tumilapon ang biktima na napuruhan sa ulo at naging dahilan ng kamatayan nito .

Kasabay nito, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang masalpok ng isang Eco Sport na may plakang AIA4659 at minamaneho ng isang Daniel Apostol, 28, ng Blk. 5 L31 Phase 6A, Tierra Nevada Subdivision, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City ang dalawang magkasunod na motorsiklo na pawang bumabagtas sa kahabaan ng Open Canal Road sa Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City

Sa tindi ng salpukan, patay ang isa sa rider na si Ronnel Gomez, 33 habang kritikal ang backrider nitong si Janice Medina, 30, ng Gen. Trias City.

Ginagamot din sa ospital ang dalawang sakay ng isa pang motorsiklo na sina Chariess Mae Astero, 30, at backrider nitong si alias “Claire”, kapwa taga-Gen. Trias City.

vuukle comment

ROAD CRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with