^

Probinsiya

15 bayan sa Cagayan nasa poll watchlist

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nasa 15 na bayan ng Cagayan na itinutu­ring na “areas of concern” para sa May 2022 national and local elections, ang mahigpit na binabantayan ngayon ng mga awtoridad sa lalawigan.

Ayon kay P/Col. Re­nell Sabaldica, provincial director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), kabilang sa 15 na bayan na tinututukan ngayon ng mga awtoridad ay ang Buguey, Baggao, Tuao,  Amulung, Penablañca, Enrile, at Rizal na pawang nasa red category o areas of grave concern..

Kabilang din sa mga nasa election hotspot ang mga bayan Gattaran, Gonzaga, Sto Nino, Iguig, Solana, Alcala, Allacapan at Tuguegarao City na nasa “orange category” o areas of immediate concern.

Samantala, sinabi ni P/ Capt. Isabelita Gano, information officer ng Cagayan Police na tanging ang bayan ng Appari ang nasa “yellow category” o area of concern habang ang natitirang 13 na bayan sa lalawigan ay nasa “green category” o areas with no security concern”.

Sinabi ni Gano na nag­latag na rin ng karagdagang police checkpoint sa mga nabanggit na lugar habang nakaantabay ang mga karagdagang pulis katuwang ang Philippine Army para sa seguridad at kaayusan ng nalalapit na halalan. 

CAGAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with