^

Probinsiya

Suporta ng local executives ng Bulacan, nakuha ni Sara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Suporta ng local executives ng Bulacan, nakuha ni Sara
Sara Duterte, daughter of incumbent President Rodrigo Duterte, and running mate of presidential candidate Bongbong Marcos, son of late dictator Ferdinand Marcos, delivers her speech during a campaign rally inside a gymnasium in Bocaue town, Bulacan province, north of Manila on Feb. 8, 2022.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nakuha ni Lakas- Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte ang suporta ng mayorya ng mga alkalde sa lalawigan ng Bulacan kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng May 9, 2022 national election.

Sa kanyang campaign sortie sa Bulacan, ipinaabot naman ni Sara ang pasasalamat sa mga alkalde ng lalawigan na kinabibilangan nina Baliuag Mayor Ferdinand Viceo Estrella, San Miguel Mayor Roderick Tiongson, Pandi Mayor Enrico Roque, San Ildefonso Mayor Carla Galvez-Tan, Bustos Mayor Francis Albert “Iskul” Juan, at Plaridel Mayor Anastasia “Tesie” Vistan.

Samantala, nagpaha­yag din ng suporta sa kan­didatura ni Sara si San Rafael, Bulacan mayoralty aspirant at Board Member Cholo Violagao.

Ang vice presidential aspirant ay naglunsad ng Sara para sa Barangay event sa Waterwood Basketball Covered Court, Waterwood Park Subdivision, DRT Highway, Barangay Pagala, Baliuag, Bulacan.

Ini-host naman ni Estrella ang masarap na pananghalian para sa Lakas-CMD Chairperson. Si Sara ay sinamahan ng kaniyang campaign manager na si Lakas–CMD President at House Majo­rity Leader Martin Romualdez (1st District Leyte) sa nasabing sortie.

Nakipagpulong rin si Mayor Sara sa mga Dumagat sa Bulacan partikular na sa Barangay Kalawakan, Doña Re­medios Trinidad.

Bago ito ay nagkaroon rin ng event nitong linggo ng umaga si Sara sa School of Mount St. Mary Gymnasium sa San Miguel, Bulacan.

“The Eagle of Min­danao,” ayon kay Tiongson nang ipakilala si Ma­yor Sara sa kanilang mga constituents na sinabi nitong ang susunod na bise presidente ng Pilipinas.

Inihayag pa ni Tiongson na ang 49 Barangay sa bayan ng San Miguel ay susuportahan ang kan­didatura ng presidential daughter kung saan kaya nilang magprodyus ng 100,000 boto para sa Agila ng Mindanao.

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user