^

Probinsiya

Motor salpok sa pickup: Technician patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Motor salpok sa pickup: Technician patay
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Eduardo Guinto Tabotabo, 52, may asawa, technician residente ng Brgy. Malagasang 2-A Imus City.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Isang 52-anyos na technician ang nasawi makaraang tumilapon at mapuruhan ang ulo nang sumalpok ang kanilang sinasakyan sa isang Strada pickup truck habang kapwa bumabagtas sa Daanghari road, Pasong Buaya 1 intersection, Imus City.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Eduardo Guinto Tabotabo, 52, may asawa, technician residente ng Brgy. Malagasang 2-A Imus City.

Sa imbestigasyon ni PSSg John Carlo C Punzalan, may hawak ng kaso, alas 4 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Daang hari road, Pasong Buaya 1 intersection, Imus City, kung saan minamaneho ni Wrien Edson Bagonghasa Madrinan, 21-anyos, estudyante, residente ng Laguna ang Mitsubishi Strada Pick-up na may plate no. ZSN 702.

Nag-menor umano ito saka umaasa mapapabagsak niya.. upang lumiko pakaliwa papasok ng gasolinahan subalit dito na tuloy-tuloy na sumalpok ang kasunod nitong Honda ANF motorcycle na may plate no. 9708PS , minamaneho ng namatay na biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima at lumagapak sa kalsada una ang kanyang ulo sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang estudyanteng driver.

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with