^

Probinsiya

3 mag-aaral ng Pangasinan kinilala bilang film ambassadors

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong mag-aaral ng pampublikong Alaminos City National High School (ACNHS) ang kinilala bilang mga film ambassadors ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa 6th Film Ambassador’s Night na idinaos kamakailan sa Manila Metropolitan Theater.

Sa isang kalatas nitong Lunes, sinabi ng Department of Education (DepEd) na kinilala sina Hannah Ragudos, Grade 12, at Brad Khent Cacho, Grade 10 sa short film category award habang pinarangalan naman si Mark Giddel Liwanag, Grade 12, sa ilalim ng full-length documentary na kabilang sa 77 entries sa taunang awards night.

Anang DepEd, isinasagawa ng FDCP ang taunang Film Ambassador’s Night upang kilalanin ang mga pelikula at mga filmmakers na nagbigay ng dangal sa Pilipinas sa nakalipas na taon.

Noong 2021, nanalo ang “Sa Layag ng Bangkang Paurong” ni Liwanag na Best Documentary Film sa 25th Fresh International Film Festival sa Limerick, Ireland.

Samantala, parehong kinilala ang pelikulang “Ana Bikhayr” at “Ora Miss Mo” ni Ragudos at Cacho bilang Encourage Prize Awardees sa 4th Gimpo International Youth Film Festival sa South Korea.

Ang tatlong pelikula ay binuo ng Layag Productions, isang film organization na binubuo ng mga mag-aaral sa high school sa ilalim ng Special Program for Media Arts ng ACNHS.

“Yung Layag Productions ay nagpo-produce ng advocacy films na nagta-tackle sa mga social issues na gawa at isinulat ng mga estudyante, ako lang ang taga-supervise kaya 100% ay gawa talaga nila para mabigyan sila ng opportunity,” pahayag ng tagapayo ng Layag Productions at Media Arts na si Teacher Raquel Rivera.

Tinatalakay ng tatlong nanalong pelikula ang child labor, school bullying, at ang kahalagahan ng oras, na mga isyung kinakaharap na naobserbahan mismo ng mga award-winning na batang filmmakers.

FDCP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with