^

Probinsiya

16-anyos pang estudyante kritikal Birthday outing nauwi sa trahedya: 2 patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
16-anyos pang estudyante kritikal Birthday outing nauwi sa trahedya: 2 patay!
Sa ulat ni P/Staff Sergeant Rodrigo Veloso III, officer-on-case, nakilala ang mga nasawi na sina Chelzky Edara Regato, 31 anyos, walang trabaho ng Brgy. 1, Amadeo, Cavite at ang delivery boy na si Noel Sanding, 18-anyos ng Noveleta, Cavite.
File

CAVITE, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang birthday outing ng isang pamilya matapos silang tangayin ng malakas na alon habang nagsu-swimming sa isang beach resort na ikinasawi ng dalawa sa kanila at isa pang 16-anyos ang nasa malubhang kalagayan sa Brgy. Bucana Sasahan, Naic, dito, kamakalawa.

Sa ulat ni P/Staff Sergeant Rodrigo Veloso III, officer-on-case, nakilala ang mga nasawi na sina Chelzky Edara Regato, 31 anyos, walang trabaho ng Brgy. 1, Amadeo, Cavite at ang delivery boy na si Noel Sanding, 18-anyos ng Noveleta, Cavite.

Inoobserbahan naman sa San Lorenzo Hospital ang dalagitang pamangkin ni Regato na si Zyrahlyn Edara, estudyante at residente ng Amadeo, Cavite. 

Ang katawan nina Regato at Sanding ay natagpuan ng mga rescuers na lumulutang sa baybayin ng Brgy. Bucana Sasahan dakong alas-8:00 ng gabi o dalawang oras matapos silang lamunin ng dagat.

Sa imbestigasyon, ang mga biktima kasama ang lima pang kaanak ay nagtungo sa coastal bay para mag-swimming upang iselebra ang kaarawan ng tiyo ni Edara.

Ayon kay Veloso, ang mga biktima ay pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak nang magdesisyong lumusong sa baybayin ng Coastal Bay Beach Resort dakong alas-6 ng gabi kung saan marami ring tao ang naliligo roon.

Gayunman, dahil sa malakas na hangin ay biglang lumaki ang mga alon at biglang tinangay palayo sa malalim na bahagi ang mga biktima at iba pang naliligo rito.

Hindi agad nakalangoy pabalik ang dalawa at tuluyang tinangay palayo hanggang sa mawala sa tubig habang si Adara ay mabilis na nasagip ng mga kasamahan.

“Adara went first to swim, because of the strong current waves of the river, she was drowned, prompted, her aunt and Sanding saw and try to help her, however, the two took away by the current waves, while Adara was rescued by their other companions,” pahayag ni Veloso.

Nang marekober ang dalawa ng mga rescuer’s, mabilis na dinala ng Naic MDRRMC ambulance sa nasabi ring ospital subalit kapwa idinekla­rang dead-on-arrival. - Ed Amoroso

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with