^

Probinsiya

‘Most wanted’ sa Calabarzon sa child sexual abuse, sakote

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang most wanted person (MWP) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) dahil sa pang-aabusong sekswal sa menor-de-edad sa isinagawang pagsalakay sa hideout nito sa bayan ng Santa Cruz, dito, kamakalawa.

Ayon kay Col. Rogarth Campo, Laguna police­ director, nakilala ang nadakip na MWP na si James Bon, alias “Jim”, 27-anyos, isang barker.

Si Bon ay naaresto ng mga operatiba ng Women­ and Children’s Protection Center Units sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. San Pablo Sur, Santa Cruz, Laguna noong Huwebes ng hapon.

Ang operasyon ay base sa inilabas na warrant­ of arrest nitong Marso 1, 2022 ng Regional Trial Court, Branch 26 sa Santa Cruz, Laguna laban sa naturang akusado dahil sa kasong paglabag sa anti-child abuse law, sexual abuse at crime of lasci­vious na may kaukulang piyansa na P2,000,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

vuukle comment

HULE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with