^

Probinsiya

Bus nag-dive sa ilog: 32 katao sugatan Nanggaling sa outing

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bus nag-dive sa ilog: 32 katao sugatan Nanggaling sa outing
Tulong-tulong ang mga tauhan ng MDRRMO at BFP sa paglikas ng mga nasugatang pasahero mula sa bus na nahulog sa ilog sa Ternate Cavite noong Linggo.
Cavite Connect

CAVITE, Philippines — Tatlumpu’t dalawang katao ang iniulat na nasugatan matapos na mahulog sa ilog na may 20 metrong lalim ang sinasakyang mini bus galing sa outing sa Gov. Drive, Sapang 2 Bridge, bayan ng Ternate, dito noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng Ternate Police, kabilang sa mga sugatan ang driver ng bus na si Oscar Mamatan Jr., 28, residente ng Pull 1, San Rafael, Noveleta, Cavite.

Sa imbestiga­syon ni P/SMS Alfredo Guevarra Jr., alas-5:55 ng hapon ­kamakalawa habang bumabagtas sa kahabaan ng ­Governors’ Drive, Sapang 2 Bridge sa nasabing bayan ang nasabing baby bus (DXE-277) na minamaneho ni Mamatan nang pumalya ang preno nito habang papauwi na sa Naic, Cavite galing sa isang outing sa Ternate.

Nagpagewang-gewang umano ang nasabing bus hanggang sa sumalpok sa concrete barrier ng kalsada sanhi upang tumagilid sa kaliwang bahagi nito at tulu­y-tuloy na nahulog sa tulay at nag-dive sa 20 talampakan ang lalim na ilog.

Ang ibang sakay ay tumilapon palabas ng bus habang ang iba ay naipit sa loob sanhi ng kanilang pagkasugat.

Ayon sa isang ­motorista na kasunod ng baby bus, nalagpasan pa nila ang nasabing sasakyan at kanilang napansin ang kakaibang amoy na nagmumula dito na tila amoy ng nasusunog na goma.

Agad sumaklolo ang mga residente at barangay officials sa lugar saka mabilis ding rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO at Bureau of Fire (BFP) ng Ternate saka isinugod sa San Lorenzo Hospital sa Naic at Cavite Municipal Hospital sa Maragondon ang mga sugatang pasahero.- Arnell Ozaeta

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with