^

Probinsiya

Mayor Magalong napasubo lang sa pagtaas ng kamay ni Kiko

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayor Magalong napasubo lang sa pagtaas ng kamay ni Kiko
Baguio City Mayor Benjamin Magalong in a press conference.
Photo from CCD/Philippine Information Agency Cordillera Administrative Region

MANILA, Philippines — Napasubo lang umano si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang itaas nito ang kamay ni Vice Presidential candidate Senador Kiko ­Pangilinan noong bumisita sa kanya nitong nakaraang Huwebes.

Sinabi ni Magalong na habang nagpapakuha sila ng litrato ni Pangilinan ay may isang kaibigan niya ang sumigaw na itaas ang kamay ng senador.

Dahil na on the spot umano ang alkalde habang nakapila kung saan dapat ay magpapa-picture lang sila subalit isang konsehal niya ang nagsabi na baka maaa­ring itaas niya ang kamay ni Pangilinan.

“Alangan naman na sabihin ko, ay hindi, Hindi Hindi ako mag...I was placed on the spot,” paliwanag pa ni Magalong.

Kaagad naman umanong ipinaalam ni Magalong kay Vice Pre­sidential aspirant Vicente Sotto III ang nangyari na naunawaan naman  agad ng senador.

Nilinaw ni Magalong na nananatili ang kanyang suporta kay Sotto at ka-tandem nitong si presidential aspirant Senador Panfilo Lacson dahil tanging sila lang umano ang nakikita niyang may pag-asa na maayos ang gobyerno at ang buhay ng mga Filipino.

Para naman kay Sotto, mangyayari talaga ang mga ganitong bagay at ang mahalaga umano ay ang assu­rance kaysa sa gestures o claim ng iba.

BENJAMIN MAGALONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with