^

Probinsiya

Family driver pinutulan ng ari ng selosong amo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Family driver pinutulan ng ari ng selosong amo
Arestado at naka-kulong sa Tugbok Police Station ang suspek na kinilalang si Alexander Taglucop, 51-anyos, ng Brgy. Tacunan, Tugbok District ng nasabing lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang family driver matapos hatawin sa ulo at putulan pa ng ari ng among lalaki, ka­ma­kalawa ng gabi sa Davao City.

Kinilala ang nasa­-wing biktima na si Danilo Aranzo, 51, residente ng Sitio Sto. Niño, Tugbok District, Davao City.

Arestado at naka-kulong sa Tugbok Police Station ang suspek na kinilalang si Alexander Taglucop, 51-anyos, ng Brgy. Tacunan, Tugbok District ng nasabing lungsod.

Batay sa imbes­ti­gas­yon ng pulisya, nag­dudu­da umano ang sus­pek sa biktima at sa misis nito na pinaghihinilaan niya na may li­him umanong relasyon ang dalawa dahil magkasama sila sa Araw  ng mga Puso.

Sa galit ng suspek, inabangan niya ang pagdating ng biktima at kanyang misis sa kanilang bahay at pagbaba ng sasakyan ni Aranzo ay agad niya itong hinataw sa ulo ng matigas na bagay at pagkatapos ay ginapos ang mga kamay at paa saka hinubaran ng pantalon at pinutulan ng ari na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman ru-mesponde ang mga pulis sa bahay ng suspek na nagresulta sa agaran nitong pagkadakip at nakuha sa bahay ng huli ang isang brick at kutsilyo na ginamit sa krimen.Nahaharap ngayon sa kasong murder si Tag­lucop.

vuukle comment

ALEXANDER TAGLUCOP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with