^

Probinsiya

13-anyos bulagta sa nilalarong baril

Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

CALAUAG, Quezon, Philippines — Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng 13-anyos na binatilyo matapos nitong maputukan ang sarili habang naglalaro ng baril sa Sumulong village ng bayang ito ka­makalawa ng gabi.

Sa ulat ng imbestigador na si Staff Sgt. Michael Verdeflor ng Calauag Police, kinilala ang biktima na si Tyron de Lumen Austria, residente sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, sinabi ng pinsan ng biktima na si Justine Menesis na nakita pa niya ang biktima habang nilalaro nito ang caliber 45 pistol, “Armscor,” sa kanyang bahay bandang alas-7:30 ng gabi noong Huwebes.

Dahil dito, sinaway umano ni Meneses ang batang pinsan na itigil ang paglalaro ng baril pero hindi umano siya pinakinggan nito.

Ilang sandali ay nakarinig na lang ng putok si Meneses mula sa salas at nang puntahan umano niya ay nakitang nakahandusay na si Tyron at duguan sa isang couch.

Mabilis na isinugod ang biktima sa St. Peter’s Ge­neral Hospital pero binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Lumalabas na nakuha ng biktima ang baril na nakatago sa cabinet ng kuwarto ng isang Earl Ritardo na siyang nagmamay-ari ng nasabing baril.

BARIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with