^

Probinsiya

‘Tulak’ todas sa buy-bust, P6.8 milyong shabu nasamsam

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PILI, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang high value individual na drug pusher matapos manlaban sa buy-bust operation ng mga pulis at nabawi ang may P6.8 milyong halaga ng shabu sa Brgy. La Purisima, bayan ng Pili sa lalawigang ito kama­kalawa ng gabi.

Patay agad maka­raang mapuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na nakilalang si Glen Gan, nasa hustong gulang, residente ng Naga City Subdivision, Brgy. Triangulo, Naga City.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust ng mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit 5, Provincial Intelligence Unit at Pili Police.

Nang iabot ng suspek ang biniling shabu sa poseur buyer at akmang aarestuhin na ay bumunot ng baril ang una kaya pinutukan na siya ng mga naka­tagong operatiba.

Nabawi mula sa suspek ang isang trans­parent plastic na may lamang shabu na tumi­timbang ng isang kilo at may halagang P6,800,000, isang kalibre 45 baril at boodle money na ginamit sa buy-bust.

vuukle comment

GLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with