^

Probinsiya

Namemeke ng vaxx card, timbog sa entrapment

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Namemeke ng vaxx card, timbog sa entrapment
Kinilala ang suspek na si Roy Pelagio Marquez, 48-anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Wawa 1, Rosario, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang lalaki na ­namemeke umano ng mga COVID-19 vaccination card at ibinebenta sa mga indibiduwal matapos ang ikinasang entrapment operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Wawa 1, bayan ng Rosario, dito.

Kinilala ang suspek na si Roy Pelagio Marquez, 48-anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Wawa 1, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni P/Cpl. Ricardo Mendoza Jr., nagtungo sa kanilang himpilan si Dr. Noriel Emelo, 45, municipal health director ng Rosario, upang ireklamo ang suspek na nagbebenta umano ng mga vaccination card.

Agad nagplano ng entrapment operation ang mga intelligence operatives ng Rosario Police dakong alas-9:45 ng gabi nang makipagkita ang poseur buyer sa suspek sa naturang lugar para bumili ng vaccination card sa halagang P2,000. Ibinebenta umano ng suspek ang vaccination card, gamit ang mga pekeng pirma ng mga opisyal ng Rural Health Unit ng Rosario.

Nakumpiska sa suspek ang 2-short bond paper na may print out ng COVID-19 vaccination card, 2-name stamp na may mga pangalan at pirma ng RHU officials at perang ginamit sa operation.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with