^

Probinsiya

17 doktor, 13 pang frontliners sa Quezon tinamaan ng COVID-19

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
17 doktor, 13 pang frontliners sa Quezon tinamaan ng COVID-19
Ayon kay Dr. Rolando Padre, direktor ng QMC, ang naturang 30 health workers na nahawaan ng sakit ay mga “fully vaccinated” at nakatanggap na rin ng booster shots.
STAR / Boy Santos, file

LUCENA CITY, Philippines — May 17 doktor at 13 pang medical frontli­ners sa Quezon Medical Center (QMC) sa lungsod na ito ang tinamaan ng sakit na coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Rolando Padre, direktor ng QMC, ang naturang 30 health workers na nahawaan ng sakit ay mga “fully vaccinated” at nakatanggap na rin ng booster shots.

Dagdag pa ni Padre, tatlo sa mga apektadong manggagamot, kabilang ang kaniyang sarili, ay idineklarang “recovered” na mula sa sakit.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga healthcare wor­kers na tinatamaan ng COVID-19 sa lalawigan, pansamantala munang isinara ang Obstetrics and Gynecology (Ob-Gyne) at pediatric ward ng nasabing ospital.

Nitong nagdaang Sabado, Enero 15, nakapagtala ang lalawigan ng 244 bagong kaso ng COVID-19 na pinakamataas na single-day tally simula noong Setyembre 21, 2021.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with