_ngayon
^

Probinsiya

17 tauhan ng PNP-CIDG kinasuhan ng murder

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
17 tauhan ng PNP-CIDG kinasuhan ng murder

Sa ‘Bloody Sunday’ raids sa Batangas

MANILA, Philippines — Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong murder ang 17 tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Re­gion 4-A na itinuturong responsable sa pagpa­tay sa isang mag-asawa na sinisilbihan ng search warrant sa Na­sugbu, Batangas ng na­kalipas na taon.

Ayon kay Justice Usec. Adrian Sugay, ang pagsasampa ng kaso ay resulta ng isang buwang ebalwasyon sa nasabing kaso ng Special Investigation Team (SIT) sa ilalim ng Inter-Agency Committee On Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons (IAC) na binuo sa bisa ng Administrative Order No. 35 (AO 35).

Ang mga biktima na sina Ariel Evangelista, 25 at misis na si Anna Mariz Lemita-Evangelista, 30, kapwa staff members ng community organization sa Batangas na “Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan” ay natutulog sa kanilang tahanan kasama ang kanilang 10-anyos na anak na lalaki nang puwershang pasukin ng mga operatiba ng CIDG sa Brgy. Calayo, Nasugbu dakong alas-4 ng madaling-araw noong Marso 7, 2021 para isilbi umano ang search warrant na inisyu ng Manila RTC Branch 174.

Dito nakarinig ng putok ang mga kapitbahay at napatay ang mag-asawa habang nagsilbing tes­tigo ang naturang anak ng mag-asawa.

Nagsasagawa na rin ang Department of Justice at NBI ng imbestigasyon sa pagkamatay ng pito pang ibang aktibista noong Marso 7, 2021 na tinaguriang “Bloody Sunday”.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with