_ngayon
^

Probinsiya

Suspek sa rape-slay ng 10-anyos sa kuweba, timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa rape-slay ng 10-anyos sa kuweba, timbog
Nakilala ang suspek na si Ian Baculi, 18-anyos at residente ng Brgy. Campo Siete sa Minglanilla, Cebu.
Freeman Photo

MANILA, Philippines — Matagumpay ang operasyon ng pulisya matapos na bumagsak sa kanilang kamay ang suspek sa karumal-dumal na pagpatay at panghahalay sa 10-an­yos  na batang babae na natagpuan sa isang kuweba sa Talisay, Cebu kamakailan.

Nakilala ang suspek na si Ian Baculi, 18-anyos at residente ng Brgy. Campo Siete sa Minglanilla, Cebu.

Si Baculi ay sinasa­bing kamag-anak pa ng batang biktima na kinilalang si Kiara Namanama.

Ayon sa mga saksi, si Baculi ang huling nakitang kasama ng biktima, bago ito nawala.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya para tugisin si Baculi na nagtangka pa umanong tumakas.

Nang mahuli, uma­min umano ang suspek sa krimen at sinabing sinakal at nilunod niya sa sapa ang biktima saka niya ginahasa.

Sinabi ng suspek na iba na ang kanyang tingin sa biktima kaya nagawa niya ang krimen. Aniya, mag-isa lang niyang ginawa ang krimen at humingi siya ng tawad sa kaniyang nagawa. 

Sinisiyasat pa kung nasa impluwensya ng ilegal na droga ang sus­pek nang isagawa ang krimen sa sariling­ kaanak.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with