_ngayon
^

Probinsiya

Klase sa Bataan suspendido ng 2-linggo

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

SAN FERNANDO CITY, Pampanga, Philippines — Suspendido ang klase sa mga pampublikong paaralan sa lahat ng antas sa Bataan sa loob ng dalawang linggo simula Enero 16 hanggang 28 dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Inanunsyo kahapon ni Bataan Gov. Albert­ Garcia ang class suspension matapos na mag­labas si Assistant Schools Division Superintendent Roland Fronda ng division memorandum na nagsususpinde ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Sinabi ni Garcia na ang mga pribadong paaralan ay maaari ring magdeklara ng suspension sa pakikipagkonsultasyon sa parents association at opisyales ng mga paraalan.

Sa ilalim ng naturang memorandum, ang lahat ng klase anuman ang modality, submission ng academic requirements at iba pang aktibidad na may kinalaman sa pagtuturo kabilang na ang second quarter examination, ay postponed ng dalawang linggo. 

KLASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with