_ngayon
^

Probinsiya

P1.2 milyon sa ‘online sabong’ tinangay ng teller

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TIWI, Albay, Philippines — Kala­boso at nahaharap sa kasong qualified theft ang isang teller matapos umanong ibulsa ang nasa 1.2 milyong piso mula sa kaha ng pinagta-trabahuhang Online Cockfighting Betting Station (OCBS) sa Purok 1A, Brgy. Tigbi ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Agad namang na­aresto ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Martin Francis Bobiles Pacis, 27-anyos, teller ng naturang betting station.

Sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi, tumawag ang supervisor ng nasabing OCBS na si John Brofus sa may-ari ng naturang online sabong na si Wenifredo Carillo Gloria Jr., hinggil sa pagkawala ng ma­laking pera sa kanilang drawer.

Lumalabas na tina­ngay umano ni Pacis ang naturang pera at saka biglang nawala.

Mabilis namang naka­responde ang mga pulis at naaresto ang suspek.

ONLINE SABONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with