_ngayon
^

Probinsiya

3 magkukumpare huli sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang tatlong magkukumpare na hinihinalang tulak ng droga sa kanilang lugar at karatig bayan sa ikinasang buy-bust ope­ration ng mga awtoridad kahapon ng madaling araw sa Dasmariñas City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Cosme Amistoso alias “Ellias”, Melchor Aledia at Melvin Francisco; pawang nasa drug watchlist ng pulisya.

Sa ulat, alas-2 ng madaling araw nang ikasa ang joint operation ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit, Phi­lippine Drug Enforcement Agency at Dasmariñas Police laban sa mga suspek sa Solar Homes Subd., Brgy. Langkaan 2.

Ang tatlo umano mismo ang nakipag-deal sa isang poseur buyer at nang magkaabutan ng droga at pera ay agad silang dinakma.

Nakuha mula sa mga suspek ang 13 plastic sachet ng shabu na nasa 25 gramo at tinatayang P200,000 ang halaga, isang Armscor 12 gauge shotgun, mga bala.

BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with