^

Probinsiya

Notoryus na drug pusher utas sa buy-bust

Pilipino Star Ngayon

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines — Hindi na umabot nang buhay ang isang notoryus na tulak ng droga matapos na pumalag sa buy-bust operation ng mga pulis, sundalo at ahente ng ­Philippine Drug Enforcement Agency sa Zone-1, Brgy. Salvacion ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Tinambac Infirmary Hospital ang suspek na si Diosdado Clavecillas, nasa hustong gulang,residente ng Brgy. Binanuaanan, Pili at itinuturing na high value target ng Camarines Sur Police.

Sa ulat, alas-10:40 ng gabi ay dumayo pa ang suspek upang magbenta ng shabu makaraang kumagat sa inilatag na buy-bust operation ng mga otoridad.

Gayunman, nang iabot ng suspek sa posuer buyer ang binibiling isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P22-libong piso ay nakahalata ito na pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ng baril, pero pinutukan siya ng mga nakakubling ­operatiba dahilan para mapuruhan ng punglo sa katawan.

Nabawi mula sa suspek ang tatlong sachet ng shabu, isang Kalibre 9mm at isang hindi pa malamang kalibre ng rebolber na baril, mga bala at drug paraphernalia.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with