_ngayon
^

Probinsiya

Abra solon, nagpositibo muli sa COVID-19

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon, nagpositibo muli sa COVID 19 si Lone District Abra Rep. Joseph Sto. Niño Blando “JB” Bernos.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Bernos sa isang press statement kung saan kasalukuyan na itong sumasailalim sa home quarantine.

“I would like to inform the public that I have, once again, tested positive for COVID-19. I have been fully vaccinated with a booster shot and exhibited mild symptoms of the disease,” pahayag ni Bernos.

Sinabi ni Bernos na inabisuhan siya ng mga doktor na sumailalim sa home quarantine kung saan nag-isolate na siya habang negatibo naman sa virus ang kanyang pamilya.

Noong Marso 2021 ay una nang nagpositibo si Bernos sa COVID-19 na kanyang nalagpasan at gumaling.— Artemio A. Dumlao

COVID 19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with