Sara at BBM umayuda sa Surigao
MANILA, Philippines — Nagbigay kahapon ng P1-milyong cash at 1,000 sako ng bigas si Davao City Mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte bilang donasyon sa mga biktima ng bagyong Odette sa Surigao del Norte.
Ang ayuda ni Duterte ay personal nitong itinurn-over kay 2nd District Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Siargao airport.
Kasabay nito, sa nasabing event ay nagbigay rin ang ka-tandem ni Duterte na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., presidential standard bearer ng UniTeam ng P500,000 tulong pinansiyal at 2,000 sako ng bigas para sa mga biktima ng pananalasa ng bagyo.
Personal na tinanggap ni Gen. Luna, Siargao Mayor Cecilia Rusillon ang ayuda ni Marcos para maipamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad sa kanilang lugar.
Ang BBM-Sara UniTeam ay nagbigay rin ng portable solar panel system at isang water purifier system.
- Latest