_ngayon
^

Probinsiya

Napamaskuhan, 13th month pay at bonus ipinangsabong: 10 timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Napamaskuhan, 13th month pay at bonus ipinangsabong: 10 timbog
Nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 o illegal gambling ang mga dinakip na sina John Christian Molina, Rolland Terrobias,  Anicieto Carampot, Marvin Balleras, Albert Encabo, Danilo Bendal, Rolando David, Nhesdie Colos, Louise Pagkaliwangan at Homer Ojano, pawang residente ng Sitio Karampot sa naturang barangay.

CAVITE, Philippines — Sampu katao ang inaresto matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagsasagawa ng tupada o illegal na sabong kamakalawa sa Brgy. Santiago, Gen. Trias City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 o illegal gambling ang mga dinakip na sina John Christian Molina, Rolland Terrobias,  Anicieto Carampot, Marvin Balleras, Albert Encabo, Danilo Bendal, Rolando David, Nhesdie Colos, Louise Pagkaliwangan at Homer Ojano, pawang residente ng Sitio Karampot sa naturang barangay.

Sa ulat mula sa Cavite Provincial Police Office, alas-11:30 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang nasabing lugar at naaktuhan ang mga suspek na nagtutupada.

Lumalabas na karamihan sa mga naaresto ay galing pa sa kanilang mga napamaskuhan, Christmas bonus at 13th month pay ang perang ipinangsugal sa sabong.

Narekober sa raid ang mga perang ginamit sa sugal, mga manok na panabong, mga tari at tatlong patay na manok na panabong.

SABONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with