^

Probinsiya

Christmas love triangle: Magkaribal nagsaksakan ng icepick, kapwa kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kapwa kritikal sa pagamutan ang dalawang mister makaraan silang magsaksakan ng icepick dahil sa love triangle o away-babae sa mismong araw ng Pasko sa Bacoor City.

Kapwa ngayon ino­obserbahan sa pagamutan ang dalawang hinihinalang magkaribal na sina Nestor Pillo, 43-anyos, construction worker ng Bagong Silangan, Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City at Larry Llamido, 42, vendor at residente rin sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Edilberto Reyes Jr., ng Bacoor City Police,  ala-1:45 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente kung saan nakatayo umano si Pillo sa tapat ng kanilang bahay at nanonood ng programa na nagaganap sa kanilang street bilang pagdiriwang ng Pasko nang dumating si Llamido at agad siyang nilapitan at kinompronta.

Tinanong umano ni Llamido si Pillo kung dinidiskartehan ba nito ang kaniyang kinakasama na si Shirley Alcantara. 

Itinanggi naman ni Pillo ang bintang subalit hindi ito pinaniwalaan ni Llamido at lingid sa kaalaman ng una ay armado na pala ng icepick ang huli.

Sa tindi ng galit at pagseselos ni Llamido, dito na niya inundayan ng sunud-sunod na saksak si Pillo subalit nanlaban ang huli hanggang sa mauwi pa sa pagpapambuno ng dalawa.

Kahit sugatan na ang biktima, nagawa nitong maagaw ang icepick sa suspek at inundayan din nito ng saksak hanggang sa kapwa na duguang bumulagta ang dalawa na agad itinakbo sa pagamutan ng mga saksi.

Kasalukuyang inoobserbahan ang dalawa sa hindi tinukoy na ospital.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with