^

Probinsiya

‘Tulak’ bulagta sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang lalaki na tulak umano ng droga makaraang manlaban sa pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Pabalan Subdivision, Barangay Abar 1st ng lungsod na ito, noong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na drug suspect na si Rodirick Dizon alyas “Rick”, nasa hustong gulang ng Barangay San Agustin ng lungsod na ito.

Ayon sa ulat, alas-3:50 ng madaling-araw ng Huwebes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga ­operatiba ng Drug Enforcement Unit at Intelligence personnel ng San Jose City Police sa nasabing barangay laban sa suspek.

Nabatid na matapos umanong magpalitan ng buy-bust money at hinihinalang shabu ang suspek at police poseur buyer ay nakahalata umano ang una na pulis ang katransaksyon nito na nagresulta sa pagbunot nito ng maigsing baril sabay putok sa kausap.

Masuwerte umanong hindi tinamaan ng bala ang pulis sabay ganti ng putok sa suspek na siya nitong ikinamatay.

Nakuha sa crime scene ang isang caliber 9mm pistola ng suspek, 5 basyo ng bala nito, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 4 gramo at halagang aabot sa P15,000, at isang motorsiklong Motorstar na may plakang CA49799 na ginagamit umano ng suspek.

vuukle comment

DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with