^

Probinsiya

Mayor, 6 pa dawit sa pagpatay sa negosyante sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kinasuhan ng murder ang isang alkalde sa bayan ng Gattaran at anim na iba matapos silang isangkot sa pagpatay sa isang negosyante sa lungsod na ito nitong Lunes.

Batay sa ulat na ipinalabas ng Cagayan Provincial Information Office, ang mga sinampahan ng kaso sa Provincial Prosecutor’s Office ng Carig Sur ay nakilalang sina Ma­yor Matthew Nolasco, residente ng Barangay Centro, Gattaran; Joles Salvatierra, Mateo De Torres, pawang residente sa nasabing bayan; Jofel Alipio ng Buguey, Cagayan at tatlong iba pa.

Ang pagsasampa ng kaso laban sa pito ay kasunod sa sinum­paang affidavit at salaysay ng ilang testigo sa pagkamatay ng negos­yanteng si Jefferson Torricer, 29, ng Brgy. Poblacion, Penarobia, Abra na pinagbabaril sa isang restobar dakong alas-11 ng gabi noong Disyembre 5 sa Brgy. Magapit.

Ang biktima ay sinasabing namasyal lamang sa lalawigan ng Cagayan, ayon sa mga kakilala nito.

Sa isinagawang pagsisiyasat, natukoy umano ng mga imbestigador kung kanino nakapangalan ang ilan sa mga armas na ginamit sa krimen.

CAGAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with