^

Probinsiya

Imbestigasyon sa smuggling ng imported na gulay at prutas, ikinakasa ng solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gigisahin ng komite ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda ang Bureau of Plant and Industry (BPI) dahil sa patuloy na pagbaha ng mga smuggled na gulay at prutas sa bansa.

Sinabi ni Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means na sa Enero­ ng susunod na taon sa muling pagbubukas ng Kongreso ay ipagpapatuloy ng kaniyang panel ang imbestigas­yon sa nasabing isyu.

Una rito, bumaha ang mga imported na gulay sa merkado tulad ng mga carrots, repolyo, sibuyas at iba pa galing China.

Ayon kay Salceda, naalarma siya sa hinaing­ ng Benguet Farmers Marketing Cooperative na umaapela sa Bureau of Plant and Industry na magpaliwanag sa pagbaha ng mga strawberries mula sa South Korea sa merkado partikular na sa Cebu.

“In our earlier hearings on the matter, we called on the Bureau of Plant Industry to ensure that the inspection of plant imports is up to standard. They did point out that they are unable to inspect each shipment, which makes these shipments vulne­rable to misdeclaration,” punto pa ni Salceda.

Una nang kinastigo ng panel ni Salceda ang BPI sa pagdinig ng kaniyang komite sa isyu noong Pebrero 2021 dahil sa kakulangan ng mekanismo ng BPI upang mapigilan ang smuggling ng mga imported na gulay at prutas sa bansa.

BPI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with