^

Probinsiya

6 sasakyan, lugawan inararo ng ambulansya: 1 dedo, 4 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
6 sasakyan, lugawan inararo ng ambulansya: 1 dedo, 4 sugatan
Ang pasyente na nasawi ay nakilalang si Joselito Rotaryo, 34-anyos habang sugatan ang dalawang kaanak na kasama nitong sakay ng ambulansya na sina April Tibayan, 32, at Niña Madrigal, 38.
Graphic by Philstar/John Villamayor

CAVITE, Philippines — Isang 34-anyos na biktima ng aksidente ang natuluyang mamatay nang araruhin ng kinalululanan nitong ambulansya ang anim na sasakyan at isang lugawan na ikinasugat ng apat pang katao sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway Bypass Road, Brgy. Sabutan, Silang, dito, kahapon ng madaling araw.

Ang pasyente na nasawi ay nakilalang si Joselito Rotaryo, 34-anyos habang sugatan ang dalawang kaanak na kasama nitong sakay ng ambulansya na sina April Tibayan, 32, at Niña Madrigal, 38.

Sugatan din ang menor-de-edad na anak ng may-ari ng lugawan na itinago sa pangalang Alfred, 15-anyos at ang crew na si KC Joy, 16.

Sa ulat ni Patrolman Menervin Castillo, alas-4:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang minamaneho ni Ryan Villalobos De Roxas, 46, ng Banilad Nasugbu Batangas ang ambulansya sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Bypass Road sakay ang pasyenteng si Rotaryo na nasangkot sa vehicular accident, at dalawang kamag-anak patu­ngong ICU Manila.

May kabilisan umano ang takbo ng ambulansya dahil sa pagmamadali ng driver na maihatid sa ospital ang sakay na pasyente.

Ayon sa naturang driver, may biglang tumawid na tao kung kaya biglang kinabig nito ang mani­bela dahilan upang mawalan ng menor at tuluyang naararo ng ambulansya ang anim na sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada at nadamay rin na nasalpok ang isang puwesto ng lugawan.

Sa tindi ng pinsala, nawasak ang isang tricycle, isang padyak, tatlong motorsiklo at isang kotse na Toyota Wigo. Nakatalon naman ang ibang kustomer na kumakain sa lugawan subalit nahagip ang dalawang nabanggit na menor-de-edad.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang ambulance driver na hawak na ng pulisya.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with