^

Probinsiya

2 lady reporter nangikil ng drug suspect, timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 lady reporter nangikil ng drug suspect, timbog
Hawak ngayon ng pu­lisya ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso na nakilalang­ sina Carla Saylon Alumno, 37-anyos, at Hesisca Salapar, 27-anyos; kapwa residente ng Blk 11 lot 10 Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite at umano’y news corres­pondent ng Rektang Puna News online at RPN radio.
STAR/File

Nagpakilala pang miyembro ng PDEA

CAVITE, Philippines —– Arestado ang dalawang babae­ na nagpakilalang reporter­­ at intelligence officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos umanong ma­ngikil ng malaking halaga sa pamilya ng drug sus­pect na nakakulong ka­­­palit ng kalayaan nito, sa ikinasang joint entrapment operation ng mga awtoridad, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ca­­buco, lungsod ng Trece Martires.

Hawak ngayon ng pu­lisya ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso na nakilalang­ sina Carla Saylon Alumno, 37-anyos, at Hesisca Salapar, 27-anyos; kapwa residente ng Blk 11 lot 10 Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite at umano’y news corres­pondent ng Rektang Puna News online at RPN radio.

Sa ulat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagtungo sa kanilang tanggapan ang pamilya ng isang drug suspect na nakakulong sa lungsod ng Trece upang humingi ng tulong hinggil sa dalawang me­diamen diumano na nangingikil sa kanila ng pera kapalit ng pagpapalaya sa kamag-anak nilang nakakulong sa kasong droga.

Nagpakilala uma­nong­ mga taga-PDEA ang dalawang suspek at nagpakita pa ng PDEA IDs bilang mga IO-1 (intelligence officer 1).

Gayunman, nagduda ang pamilya ng drug suspect hinggil sa palaki nang palaki ang pe­rang hinihingi sa kanila ng dalawa na umabot sa P100,000 kapalit sa pangakong pagpapalaya ng kanilang kamag-anak na nakakulong.

Dahil dito, agad ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng AOCU-CIDG, Naval Intelligence Service Force at PDEA ang entrapment operation sa ilalim ng “Oplan Olea and Salikop” laban sa dalawang suspek.

Alas-5:30 ng hapon nang ilatag ang entrapment sa Brgy. Cabuco, kung saan nagtungo ang dalawang suspek upang katagpuin at kunin ang pera na kanilang hinihingi.

Nang magkaabutan umano ng pera, dito na dinakma ng grupo ang mga suspek at narekober sa dalawa ang da­lawang PDEA IDs, Rektang Puna News RPN-ID at pera na na-withdraw nila sa pamamagitan ng Smart Padala.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman­ na ang dalawang babaeng reporter ay mi­yembro rin umano ng “Almira Robbery Extortion Group” na ang modus ay kumausap ng mga pamilya ng mga drug suspek na nakakulong para sa pagpapalaya umano sa mga ito kapalit ng halagang kakailanganin.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Article 294 o Robbery Extortion, at Art. 177 o Usurpation of Authority of RPC ang mga suspek.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with