^

Probinsiya

Sinasakyang van pumalya misis humarang sa daan, napatay ni mister

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Sinasakyang van pumalya misis humarang sa daan, napatay ni mister
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Alejandra Reyes, 51-anyos, maintenance officer at residente ng Brgy. Inchican, Silang, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Aksidenteng napatay ng isang mister ang kanyang misis makaraang humarang ang ginang sa kanilang daraanan upang hindi makasagasa ng maraming bystander nang biglang pumalya ang kanilang sinasakyang van kahapon ng umaga sa Brgy. Ichican, Silang ng lalawigang ito.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Alejandra Reyes, 51-anyos, maintenance officer at residente ng Brgy. Inchican, Silang, Cavite.

Natulala naman ang mister nito na hindi na balak pang kasuhan ng kanilang mga anak na si Hipolito Reyes, 54.

Sa imbestigasyon ni P/Exec. Master Sgt. Eric Ambojia, dakong alas-8:20 ng umaga habang sakay ang mag-asawang Reyes ng kanilang Toyota Light Ace van nang bigla umanong magloko ang gas acce­lerator ng sasakyan.

Hindi mamaniobra ng mister ang sasakyan at sasalpok ito sa mga bystander kaya mabilis na bumaba ang kanyang misis at biglang humarang sa daraanan sa kagustuhang hindi makasagasa ng mga taong nasa lugar.

Gayunman, hindi pa rin nakontrol ng mister ang minamanehong van hanggang sa masalpok nito ang kanyang misis na nakaharang sa daan.

Nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang biktima subalit hindi na naisalba pa ng mga manggagamot.

Pumirma naman ng waiver ang mga anak ng mag-asawa na hindi sila magsasampa ng kaso sa laban sa kanilang ama hinggil sa nangyari na itinuturing nilang aksidente lamang.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with