^

Probinsiya

Veteran reporter na pinatay nakatanggap ng death threats

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Veteran reporter na pinatay nakatanggap ng death threats
File photo of slain journalist Jesus "Jess" Malabanan
Interaksyon/Facebook/Jesus Yutrago Malabanan

MANILA, Philippines — Nakatanggap umano ng mga “death threat” o pagbabanta sa kaniyang buhay ang beteranong reporter na si Jesus “Jess” Malabanan bago siya pinaslang ng dalawang armadong lalaki sa Calbayog City, Western Samar noong Miyerkules ng gabi.

Ito ang nabatid sa pamilya at mga kaibi­gang mamamahayag ni Malabanan, isang da­ting­­ Pampanga–based jour­nalist na lumipat sa Cal­bayog City.

Si Malabanan, 58- anyos, news corres­pon­dent ng Manila Standard, Bandera at Reu­ters ay kasalukuyang na­nonood ng telebisyon kasama ang misis nitong si Mila nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. San Joaquin, Tinambacan District, Calbayog City bandang alas-6:30 ng gabi.

Ang biktima ay na­pu­ruhan ng mga tama ng bala sa ulo at idineklarang dead-on-arrival sa Saint Camilus Hospital sa lungsod.

Bumuo na si Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Brig. Gen. Rommel Ber­nardo Ca­bagnot ng Special Investigation Task Group (SITG) upang resolbahin ang kaso ng pagpatay kay Malabanan.

Sa isang Facebook­ post ng veteran reporter­ na si Manny Mogato­, kasamahan sa Reuters­ ni Malabanan, sinabi nito na malaki ang na­iambag ng biktima sa pagwawagi ng kani­lang­ istorya sa mga biktima ng drug war ng administrasyong Du­terte para makamit ang Pulitzer Prize noong 2018. Dahil aniya sa pagsusulat ni Malabanan ng mga istorya sa drug war ay nagsimula na siyang makatanggap ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay.

Kinondena ni House Deputy Minority Leader­ at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagpatay kay Ma­labanan.

Nanawagan naman si ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Tadu­ran, House Assistant Majority Leader sa PNP na agad resolbahin ang pagpatay kay Malabanan upang mabigyan ng hustisya. Aniya, ang kamatayan ni Malabanan ay hindi katanggap-tanggap lalo na sa panahong ang gobyerno ay masigasig sa paghadlang sa karahasan laban sa mga mamamahayag.

REPORTER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with