^

Probinsiya

Spa pinasok, lady therapist tinangkang gahasain

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Spa pinasok, lady therapist tinangkang gahasain
Nanginginig pa sa takot ang biktima habang kinakausap ng pulis na nakilalang si Criselda Sican, 19, dalaga, therapist ng Precious Cares Spa at residente ng Bayan Luma 2, Imus City.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Isang lady therapist ang nakaligtas sa kapahamakan matapos manlaban sa isang barker na pumasok at nagpanggap na kustomer sa kanilang spa at tinangka siyang gahasain kahapon ng madaling araw sa Brgy. Bayan Luma, Imus City.

Nanginginig pa sa takot ang biktima habang kinakausap ng pulis ang isang 19-anyos na dalaga na isang therapist ng sa spa at residente ng Bayan Luma 2, Imus City.

Agad namang naaresto ang suspek na nakila­lang si Virgilio Rubin, nasa hustong gulang at residente ng Panapaan sa Bacoor City.

Sa imbestigasyon, alas-2:30 ng madaling araw habang naka-duty ang biktima sa naturang spa nang pumasok ang suspek at nagpanggap na kustomer.

Nang makitang walang ibang tao sa nasabing Spa, agad nitong tinutukan ng patalim ang biktima at tinangkang gahasain.

Nanlaban ang biktima at nagsisigaw, sa taranta ng suspek, nagtatakbo ito palabas subalit bago tulu­yang tumakas ay kinuha nito ang pera sa kaha bago tuluyang tumakbo.

Narinig ng mga residente at barangay tanod ang paghingi ng saklolo ng biktima kung kaya agad nilang hinabol ang tumakas na suspek at naaresto.

SPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with