^

Probinsiya

Cityhood ng Talavera isusulong ni Imee

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — Nakatakdang isponsoran ni Sentor Imee Marcos ang isang panukalang batas na balak gawing isang component city ang bayan ng Talavera sa lalawigang ito.

Ayon kay Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez tinawagan siya ng lady solon, na nangangakong iisponsoran nito ang panukala para gawing isang agro-industrial city ang bayan ng Talavera na may lawak na 14-square kilometers na bayan.

Kung maisasabatas ang panukala, kikilalaning “First Agro-Industrial City” sa Central Luzon ang Talavera na isang first class na munisipalidad, na may populasyon na 132,388 na naitala noong 2020.

Kabilang sa mga kinakailangan para ma­ging lungsod ang isang bayan ay ang pagkakaroon ng populasyon na hindi bababa sa 100,000 na sertipikado ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang inaasahang lungsod ay dapat ding magkaroon ng kita na hindi bababa sa P250 milyon sa nakalipas na dalawang magkasunod na taon bilang sertipikado ng Department of Finance.

Ang Talavera ay nakapasa na sa dalawang kinakailangang requirement na hini­hingi ng batas.

Nabatid na si Nerito “Nery” Santos Sr. na ama ng naturang alkalde, ay dati ring alkalde na naka-tatlong termino mula 1992 hanggang 2001, ang unang nangarap ng “cityhood” para sa Talavera.

IMEE MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with