_ngayon
^

Probinsiya

BBM-Sara tandem sinuportahan sa Eastern Samar at Leyte

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumuhos ang suporta para sa UniTeam tandem nina dating Senador Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. (BBM) at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ng dumating sa Borongan City, Eastern Samar at Leyte nitong Martes.

Si Marcos, presidential candidate ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at running mate nitong si Lakas-CMD vice presidential aspirant Duterte ay sinalubong sa paliparan nina House Majority Floorleader at Lakas–CMD President Martin Romualdez gayundin ng kapatid nitong si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Ang magkapatid na Romualdez ay pinsan ni Marcos na isinusulong ang kandidatura ng UniTeam samantalang ang ina ni Marcos na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos ay tubong Tacloban City, Leyte.

Sina Marcos at Ma­yor Inday Sara ay nagsagawa ng motorcade mula sa Borongan City patungong San Juanico Bridge sa Tacloban City, Leyte.

Hindi naman magkamayaw ang mga supporters ng dalawa na nakasuot ng kulay berde at pulang damit sa ipinakitang video at mga larawan ng Lakas–CMD .

Nasa 70 rider clubs ang nakiisa sa unity ride bilang suporta sa tambalang Marcos-Duterte sa nalalapit na May 2022 national elections.

Makikipagpulong umano sina Marcos at Duterte sa mga lokal na opisyal ng Leyte at Samar habang inaasahan din ang pagdalo nila sa inagurasyon ng kanilang campaign headquarters sa lungsod ng Tacloban.

BBM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with