_ngayon
^

Probinsiya

4 Abu Sayyaf kidnappers sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 Abu Sayyaf kidnappers sumuko
Sa report, sinabi ni Major Emery Torre, director ng Philippine Marines Public Affairs Office, ang mga bandido ay sumuko kamakailan sa Marine Battalion Landing Team (MBLT) 7 na sinaksihan ni Col. Hernani Songano, commander ng 4th Marine Brigade at Mayor Al-Frazier Abdurajak ng Panamao, Sulu.

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot umano sa kidnapping-for-ransom (KFR) ng mga dayuhan ang sumuko sa tropa ng Philippine Marines sa Panamao, Sulu, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Sa report, sinabi ni Major Emery Torre, director ng Philippine Marines Public Affairs Office, ang mga bandido ay sumuko kamakailan sa Marine Battalion Landing Team (MBLT) 7 na sinaksihan ni Col. Hernani Songano, commander ng 4th Marine Brigade at Mayor Al-Frazier Abdurajak ng Panamao, Sulu.

Kinilala ang mga nagsisuko na sina Sikal Hussien Juhurim, Jumadil Sali, Ibnorajik Aranan Igasan at Marajan Jawae Mahing. Isinurender din ng mga ito ang kanilang mga armas at bala.

Si Juhurim ay isa sa mga most wanted na Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu na sangkot sa kidnap-for-ransom ng dalawang Aleman noong Abril 2014 sa Puerto Princesa City, Palawan. Gayundin sa pagdukot ng dalawang Canadian noong Setyembre 2015 sa Samal Island sa Davao del Norte.

Sangkot naman si Jumadil Sali sa Sipadan kidnapping noong 2001 na pansamantalang hindi na muna naging aktibo sa KFR at nagtago sa Bud Bawis sa Panamao matapos naman ang pagkamatay ni ASG Sub-leader Mujib Susukan.

Si Igasan naman ang nagsisilbing spotter at errand man o utusan ng mga bandido noong Indonesian at Malaysian kidnapping incident noong 2018 at 2019 samantalang si Mahing ay nasa ilalim naman ni ASG Sub Leader Sansibar Bencio na nago-operate sa bahagi ng Bud Bawis Complex.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with