^

Probinsiya

2 rider tepok sa salpok ng trak sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 rider tepok sa salpok ng trak sa Cavite
Kinilala ang nasawi na sina Reynaldo­ Arguelles Crudo, nasa hustong gulang, residente ng Kawit; at Carl Pingcas, 32. Ang unang insidente ay naganap alas-2:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Centennial Highway, Brgy. Putol, Kawit matapos­ sumemplang sa kanyang motorsiklo si Crudo nang hindi napansin ang nakaharang na gulong sa kalsada.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang motorcycle rider ang nasawi nang masalpok at masa­gasaan ng trak sa magkahiwalay na insidente sa bayan ng Kawit at Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ang nasawi na sina Reynaldo­ Arguelles Crudo, nasa hustong gulang, residente ng Kawit; at Carl Pingcas, 32. Ang unang insidente ay naganap alas-2:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Centennial Highway, Brgy. Putol, Kawit matapos­ sumemplang sa kanyang motorsiklo si Crudo nang hindi napansin ang nakaharang na gulong sa kalsada.

Pagkatilapon sa mo­torsiklo ay siya namang pagdating ng Isuzu truck dropside (NGB-1499) na minamaneho ni Clarence Ian Lingat at nasalpok si Crudo na agad niyang ikinasawi.

Ang ikalawang insi­dente ay naganap, alas-10:45 ng gabi nang su­malpok si Pingcas sa Isuzu trailer truck (TYJ 493) na minama­neho ni Jeramy Cabrera, 31 sa Bacao Di­version Brgy. Bacao 2, Gen. Trias City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Gen. Trias Medicare Hospital si Pingcas, 32. Habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng truck na si Cabrera.

ISUZU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user