_ngayon
^

Probinsiya

Binata patay sa gulpi ng 3 tanod!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nahaharap sa kasong homicide ang hepe ng mga barangay tanod at dalawa niyang tauhan makaraang ireklamo ng pambubugbog at pagpatay sa isang binata sa Barangay Wakas, Tayabas City, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office director P/Col. Joel Villanueva, nagsadya sa Tayabas City Police noong Biyernes ang mga kaanak ng biktimang si Harvey Nocus, 23-anyos, isang obrero upang pormal na ireklamo ang mga suspek na kinilalang sina Gerardo Sacramento, 58, chief tanod at mga tauhan nito na sina Norberto Gaela, 48, at Clodualdo Casuco, 52.

 Batay sa imbestigasyon, pinagtulungang gulpihin ng mga nabanggit na tanod si Nocus noong alas-12:30 ng madaling araw ng Oktubre 25, 2021.

Habang dinadala sa Quezon Medical Cen­ter sa Lucena City ang biktima ay nabanggit nito sa kanyang ina ang mga suspek na siyang responsable sa krimen, hanggang sa malagutan na ito ng hininga.

Noong Biyernes lamang ipinagbigay- alam sa pulisya ng mga kaanak ng biktima ang sinapit nito matapos na pagala-gala at tila walang ginawang krimen ang mga suspek.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with